Saturday, July 18, 2009
Why Blue?
Posted on 8:08 PM by saranggola
I am fortunate to have a unique nickname. I guess it addresses the real sense of having one. It is simple, unique and has recall. It sounds like mayaman, parang boy next door, parang tunog konyo.
Sarap pakinggan pag tinatawag kang Blue. Lalo na kung maraming tao, lahat nagtitinginan. I dont care kung madisappoint sila na ako yun. Heaven ang feeling. Music to my ear. Sarap magkaroon ng unique na pangalan. Lalo na pag umoorder ka sa Coffebean ng double chocolate.
1 ice blended double chocolate for blue!
Hanep! Lalong sumasarap ang inorder ko!
Madalas sa opisina, nagkakamali sila ng spelling. Akala nila BLU. walang E. Hindi color. Ang alam nga nila initials. Bernard Umali kasi. Pero V and middle initial ko, as in Villasenor ang middle name ko. Tunog old rich din di ba? for a time hindi ko sila kinorek. Pero nahiya din ako dahil wala akong karapatang magkaroon ng initial sa corporate work dahil hindi naman ako big boss.
Bakit nga ba Blue?
flashback....
1997 - I was in first year college, living in a dormitory (Pope Pius - UN Av. Manila); enjoying the idea of living in one of the busy streets of Manila. Nakikipagpatintero kay kamatayan 'ika nga. Retro 70's ang fashion. Eto yung neon green, blue, bloody red at orange ang lahat ng makikita mong tumatawid sa kalye.
Obsess ako nun sa blue. Anything blue. From pillowcase, blanket, bag, shirt, pati socks!
One wednesday morning (wash day ang wednesday), i went to school wearing blue shirt, pants, socks and my favorite rubber slippers. Masakit sa mata. Isa akong naglalakad na statement ng kabaduyan. By the way, im wearing blue inclined plane (eto yung parang stork candy or mouth piece preparatory for braces).
Isa ako monochromatic blue. Kung ngayon ay may tinatawag na emo, ako naman ang tinatawag na engot! isang OA na engot.
Simula noon, tinawag na nila akong blue at pinangatawanan ko naman.
Mahirap ang college, lalo na pag first year.
Kung hindi nyo maalala, ganito yun.
Nung second year college ka or up, galit na galit ka sa first year college. Maingay, maemote, OA, mga walking marketing material makapagproject lang kung ano sila.
Ganun talaga e, naghahanap ng identity. Dinaanan namin yun. At masaya akong madiscover ang sarili ko na si Blue.
Marami akong naging nickname bago tawaging blue.
- Bernard sa mga old elementary mates
- Father. Opo, tinawag din akong Father or Fr. Bernard nung elementary sa sobrang kaadikan ko sa mga church activities
- Badong naman para sa mga close friends noong 3rd year high school
- Mitzel para sa 4th year HS friends, why Mitzel, siya ang bida sa first novel na naisulat ko (unpublished at wala na dahil inanay na)
- At nung college - BLUE, hanggang sa maging teacher ako, community organizer, at ngayon, working sa corporate world. Sarap pakinggan, isa pa nga... corporate world! Lol.
and that's the story of, that's the glory of love... ay mali. bigla akong nagcrave ng ice cream.
o ikaw naman magkwento, whats the story behind your nickname?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No Response to "Why Blue?"
Leave A Reply